May 30, 2025
Why is it so important for Dinky Doo to always use “DAD”
Latest Articles

Why is it so important for Dinky Doo to always use “DAD”

Jul 23, 2018

May gagawing pelikula si Dinky Doo titled “My Dad! I hate Drugs” na siya rin ang sumulat ng script at magiging direktor. 

Leading lady niya rito ang Star Magic talent na si Claire Ruiz.

“Yung unang movie na pinroduce ko ay “One Day Isang Araw.. I Saw Nakakita” Second movie ko, DAD (Durugin Ang Droga). It’s an advocacy film, hindi siya pang-commercial talaga.

“Now, eto ‘yung pangatlo, may word na naman na dad, na ang ibig sabihin sa movie ay Diyos Ayaw Sa Droga. Dad is God.

“It was a dream come true na sabi ko, kailangang maibalik ‘yung word na dad, kasi my mission is to save souls, ‘yung mga taong gumagamit ng drugs.

“And I don’t wanna stop saving souls, na kailangang mailayo ko ‘yung mga tao sa drugs, especially ‘yung mga kabataan ngayon,” sabi ni Direk Dinky nang makausap namin sa presscon ng pelikula niyang “My Dad! I Hate Drugs.”

Patuloy niya, ”Pinag-aralan ko itong pelikula na ito after watching “Kita Kita” (ang pelikula nina Empoy at Alessandra de Rosi).

“Pero malayo ito sa “Kita Kita.” Iba ito. Itong pelikulang ito, maraming nakakatuwa at masasayang mga eksena, pero maraming moral values din dito na makukuha, like makikita ninyo, paano respetuhin ‘yung mga matatanda. Isa ito sa mga pelikulang pag-uusapan, dahil may puso,” sabi ni Direk Dinky.

Kasama rin sa pelikula si Alysse Montenegro.

“She had a project with me before, ‘yung DAD. Bale ito ‘yung second movie niya sa akin. Anak-anakan ko siya, talent ko siya.  Gumaganap siya rito bilang daughter ko, na galing sa America. Mahal na mahal niya ako. Nung mamatay ‘yung asawa ko, ayaw niya akong mag-asawa ulit. Gusto niya maging loyal ako sa mommy niya.”

Ang singer/actress na si Tori Garcia, ay isa rin sa cast ng pelikula.

“Si Tori naman, nakasama ko rin siya sa DAD. Ang role niya sa pelikula, isa siyang sosyalera, na girlfriend ng isa ko pang anak.”

Ang businessman na si Marlon Villarojas ay kasama rin sa advocacy film.

“Si Marlon, sikat na sikat na ito, galing siya ng Japan. Bigatin ‘yan. Boss niya si Manny Panglinan. Ang role naman niya sa pelikula, siya ‘yung pinagkakatiwalaan ko sa kampanya ko sa pagsugpo sa drugs.”

At tungkol naman sa leading lady niya na si Claire, ang sabi ni Direk Dinky tungkol sa dalaga, “Si Claire, very indemand siya. “Maalaala Mo Kaya.” Siya ngayon ‘yung nilalaman ng mga project ng ABS-CBN. Marami siyang offer dun.  I’m so blessed na nagtiwala siya na maging leading lady ko sa movie.”

Leave a comment