May 22, 2025
Why Jake is proud of MMFF entry ‘My Father, Myself’
Latest Articles

Why Jake is proud of MMFF entry ‘My Father, Myself’

Dec 7, 2022

Ibang klaseng husay ang ipinakita ni Jake Cuenca sa pelikulang My Father, Myself. Base pa lang sa teaser ng movie, marami na ang pumupuri sa aktor, to the point na sinasabing nangangamoy Best Actor daw siya. 

Pati ang award-winning direktor ng kanilang pelikula na si Joel Lamangan ay pinuri si Jake sa husay niya rito bilang closeted gay na makakarelasyon ang kanyang adoptive son, na boyfriend naman ng anak niya.

Ipinahayag ni Jake ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Direk Joel.

Aniya, “Ako, I take that with the highest honor talaga, kasi ako kay direk Joel, he’s someone I really looked-up to, na talagang nirerespeto ko sa industriya.

“So, para sa akin, walang takot na idinirek ni Direk Joel ang pelikulang ito at walang takot namin na ini-arte rin.”

“So for me, talagang this is somethng I am very-very proud of,  kasi ay nakapakalaking challenge for all of us. Kasi, hindi madali iyong pelikula, but certainly nang natapos ang lahat, nang natapos ang buong pelikula ay umiiyak kaming apat.

“Kasi it was worth it, worth the effort…  It is worth going outside your comfor zone, doing things na hindi mo normal na ginagawa sa totoong buhay,” mahabang dagdag pa ni Jake.

Bukod kay Jake, tampok din sa bagong obra ni Direk Joel sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Sean de Guzman.

Ano naman ang comment niya sa nagsasabing pang-Best Actor ang performance niya sa My Father, Myself?

Esplika ng Kapamilya actor, “Naririnig ko lang na sinasabi n’yo sa akin ‘yan… naririnig ko lang na pinupuri ako ni Direk Joel, naririnig ko lang na pinupuri ninyo ako, ang laking bagay na talaga sa akin niyan.”

“Ano kasi, itong pelikulang ito, sa totoo lang… hindi pa ako handa talagang magtrabaho pa. I wasn’t ready to work yet.

“Pero kasi, rather than shy away from it, rather than matakot, buong puso ko siyang tinanggap. And it’s exactly what I needed in my life at that time,” aniya pa na this time ay nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata haang pinipigil pa rin na maiyak. 

Pagpapatuloy ni Jake, “So, for me, sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari nitong pandemya na ito, lahat ng pinagdaanan nating lahat, makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face to face ko lang lahat ng tao, mapuri ako ni Direk (Joel) nang ganito, malaking bagay na po sa akin niyon. Panalo na po ako roon… so, maraming-maraming salamat po.”

Ang pelikulang My Father, Myself ay official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa december 25. Ito ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Kabilang din sa producers ng pelikula sina Win Salgado, Jumerlito P. Corpuz, at Nicanor C. Abad.

Kasama rin sa pelikula sina Alan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose.

Leave a comment