May 22, 2025
Why Sam Verzosa is pushing for more dialysis centers
Latest Articles

Why Sam Verzosa is pushing for more dialysis centers

Sep 30, 2024

Hindi pa man nakaupo sa puwesto bilang alkalde sa lungsod ng Maynila ay walang humpay na ang pagtulong ng businessman na si Sam Verzosa sa mga mamamayan ng naturang lugar.

Matapos ang kanyang pamamahagi ng bigas, grocery items, pagkain at pera, mga ospital naman ang ipagkakaloob ng Tutok To Win Partylist representative at Dear Sam TV host sa mga nangangailangang may sakit sa Maynila!

Yes, ospital!

Tumataginting na dalawang daang milyong piso ang inilaan ni Sam sa pagpapatayo ng mga dialysis center sa Maynila kung saan siya ipinanganak at lumaki, and yes, yumaman.

Ayon kay Sam, “This is for the building of Sampaloc Dialysis and Diagnostics Center.

“Iyon nga, yung tatay ko before he died, nag-dialysis din talaga siya.

“Ito po dagdag lang. Meron na tayong mga SV mobile complete with laboratory equipments, X-Ray, ECG, ultrasound.

“Meron tayong SV mobile botica na umiikot everyday para magbigay ng gamot sa mga kababayan natin.

“Ito po ay dagdag lang para matayuan natin ng dialysis center ang iba’t-ibang mga lugar sa Maynila, unang-una ang Sampaloc, kung saan ako lumaki, para sa libreng pagpapagamot ng mga kababayan ko sa Maynila.”

Hindi lamang sa Sampaloc, maging sa ibang barangay sa Maynila ay magpapagawa si Sam ng mga dialysis center.

Maisasakatuparan iyon dahil isang charity event kung saan sampung mga luxury cars na pag-aari ni Sam ay ibinenta niya na umabot nga sa two hundred million.

At lahat ng napagbentahan ng kanyang mga kotse ay nakalaan na sa mga ipapatayong dialysis center na napakalaking tulong dahil mahal ang magpa-dialysis, pati na rin ang mga gamot.

Kaya hindi na poproblemahin ng mga taga-Maynila kung saan nila kukunin ang malaking halagang kakailanganin sa pagpapaospital  dahil nga sa pagmamahal sa kanila ni Sam, na isa rin sa may-ari ng Frontrow.

Kaya exciting na ang pagtakbo ni Sam bilang mayor sa eleksyon sa Mayo sa isang taon.

Leave a comment