Who will emerge as “The Voice Kids Season 2 Grand Champion”?
Ngayon pa lang ay inaabangan na ang magiging salpukan at pasiklaban ng apat na young artists ng “The Voice Kids” sa darating na weekend (August 29 at 30). Siguradong mapupuno na naman ang Newport Theater ng Resorts World Manila kung saan nakatakdang maglaban-laban ang Top 4 na kinabibilangan nina Esang at Reynan ng Team Lea at Elha at Sassa mula naman sa Team Bamboo. Sino kaya sa kanilang apat ang karapat-dapat na tanghaling “The Voice Kids” grand champion.
Bawat isa sa kanila ay magbibigay ng tatlong pagtatanghal kung saan makikita natin kung sino sa kanila ang papalarin? Mayroon silang performance kasama ang isang guest artist, isang upbeat performance at isang ballad. Sino ang nakatakdang sumunod sa mga yapak ng unang “The Voice Kids” grand champion na si Lyca Gairanod at ang “The Voice of the Philippines” grand champions na sina Mitoy Yonting at Jason Dy?
Huwag papalampasin ang live grand finals kung saan ang mananalo at tatanghaling “The Voice Kids” grand champion ay magwawagi ng isang kontrata mula sa MCA Music Inc., isang music instrument package, isang pampamilyang sasakyan, bagong bahay at lupa na nagkakahalaga ng P2 million, P1 million pesos cash at P1 million na trust fund.
Mapapanood ng live ang finale ng “The Voice Kids” Season 2 sa darating na Sabado (August 29), 6:45PM at Linggo (August 30), 7PM sa ABS-CBN.