
Will Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero have a ‘second wedding’?
By PSR News Bureau
Everything seems to go well now for actress Heart Evangelista. “It’s all just a matter of time, just as I had thought it would be,” sambit sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ng Kapuso aktres. Sa wakas nga ay nagkaayos na nga sina Heart, 30 kasama ang kabiyak nitong si Senator Chiz Escudero, 45 at ang mga magulang ng aktres na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco. Naganap ang kanilang pag-aayos ng anumang naging alitan sa isang hapunan na ginanap noong May 24. Binisita si Heart ng kanyang mga magulang sa kanilang bahay. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita ang kanyang mga magulang sa kanya pagkatapos nitong ikasal sa senador nitong February 15, 2015.

Nauna na rito na ibinahagi ni Heart na tinuruan siya ng kanyang ina kung paano gumawa ng specialty nitong polvoron. Sumunod naman na nag-post si Heart ng larawan kung saan kasama rin nito ang kanyang mga magulang sa tapat ng isang pastry shop sa Makati kung saan may caption siyang: “And then He blesses you even more.”
Sinundan ito ng isa pang larawan ng kanyang ama na nakaupo sa sofa sa living area ng bahay ng aktres sa Quezon City na may caption naman na: “Daddy and mom visiting me at home and the rest of the day is just…perfect.”
Kaya’t marami ang nagpapalagay nab aka magkaroon ng isa pang kasal sina Heart at si Senador Chiz ngayong sa wakas ay nakuha na nilang parehas ang ‘blessing’ ng mga magulang ni Heart. Bukod dito ay nagbigay din ng maraming espekulasyon ang isa pang makahulugang post ni Heart sa Instagram account nito kung saan ibinahagi nito ang larawan nila ng kabiyak na kuha noong kasal nila sa Balesin Island Club, Polilio, Quezon. Kasama nito ang caption na: “All I can say is…I can’t wait.”
Muling ipinagpalagay ng marami na baka ang ibig sabihin nito’y nagdadalantao na ang Kapuso actress. Ngunit, kaagad pinabulaanan ito ni Heart. Ayon sa kanya, sa susunod na taon pa raw nila planong magka-anak ni ni Senador Chiz. Kaya’t ang anggulong pinag-uusapan ngayon ng fans ni Heart ay ang posibleng pagkakaroon nito ng isa pang kasal sa mister nito upang makadalo naman ang kanyang mga magulang lalo pa’t nagka-ayos na nga sila ng mga ito.