May 23, 2025
Will Kris Aquino push through with her MMFF film entry?
Home Page Slider Latest Articles Movies

Will Kris Aquino push through with her MMFF film entry?

Oct 16, 2015

psr ad

By: PSR News Bureau

Kris-Aquino-GMA-7-2014 Marami ang naintriga recently sa post ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung saan sinasabing may posibilidad pa ring matuloy ang paggawa niya ng Metro Manila Film Festival entry nito matapos niyang ianunsiyo kamakailan na nag-backout na siya sa naturang proyekto.

Nakatakda sanang gawin ni Kris ang All You Need is Pag-ibig. Naibalita kamakailan lang ang pag-pullout ni Kris sa nasabing pelikula dahil hindi naibigay ang kanyang hiniling na makatrabaho sana ang direktor ng photography na si Neil Daza dahil hindi magtugma ang schedule nilang dalawa.

Nabanggit ni Kris na sa nassabing pelikula, iikot sana ang istorya sa kanyang papel na babaeng laging hindi pinipili at laging iniiwan, na aniya ay personal dahil may kaugnayan ito sa totoong nagyayari sa kanyang buhay.

Sa kagustuhan ni Kris na makatrabaho ang magaling na cinematographer na si Neil na personal sana niyang pinili upang mas maalagaan ang kanyang mga magiging eksena.

3072-kris-aquino-maybe-im-blessed-because-i-dont-have-sex-video-400x252Makakatambal sana ni Kris sa naturang pelikula ang kanyang ex boyfriend na si Quezon City Mayor Herbert Bautista; at makakasama ang paborito nitong loveteam na sina Xian Lim at Kim Chiu.
Sa Instagram account ni Kris, nag-post ito ng isang larawan kasama ang kanyang mga katrabaho at kaibigan. Ayon sa caption ni Kris, katatapos lang niya ng isang presentation tungkol ssa isang proyekto, kagaya ng pagkakaroon ng magandang cast at titulo ng MMFF entry. Ginamit pa ni Kris ang mga caption na “Just finished a brilliant presentation from @krizgazmen! Thank You God for putting everything into place w/ a positive,#LoveLoveLove cast!”

Ginamit ng actress-host ang mga hashtags na #WhatsMeantToBeWillAlwaysFindAWay #NoNegativity #BeautifulCast #AllYouNeedIsPagibig.

May ilang fans ang nagkomento at hiniling n asana daw ay matuloy ang MMFF entry nito. Nalungkot ang ilan na hindi na makakasama pa sa nasabing pelikula si Mayor Herbert. Ayon kay Kris, ayaw nitong ma-preempt ang Star Cinema sa pag-disclose kung kasama pa rin sina Xian at Kim sa pelikula.

Leave a comment

Leave a Reply