
Where will newlyweds Toni Gonzaga and Paul Soriano spend their honeymoon?
By PSR News Bureau
Matapos ang kanilang naging kasal na pinaguusapan pa rin hanggang ngayon sa loob at labas ng showbiz at maging sa social media platforms, nakatakdang umalis papuntang Amanpulo ngayong araw ang bagong kasal na sina Toni Gonzaga kasama ang asawa nitong si Paul Soriano para sa kanilang honeymoon.
Ang nasabing Amanpulo trip ay isang regalo mula sa kanilang ‘Ninang sa kasal’ at former co-host ni Toni na si Kris Aquino. Mas ginusto daw ni Toni na dito na lamang sa bansa mag-spend ng kanilang honeymoon kesa bumiyahe pa sila sa ibang bansa. Kahit jetsetter naman na maituturing si Paul, first time daw nitong pupunta sa magandang isla ng Amanpulo.
“Nakaka-panibago. Naramdaman ko lang lahat noong paalis na ako ng bahay kasi sa 31 years ng buhay ko pamilya ko ang kasama ko. Masaya ako sa bagong chapter siyempre, pero may separation anxiety sa family, pero exciting kasi nagagawa ko na ang lahat ng gusto ko gawin,” sabi ni Toni.
“Mami-miss ko ang pamilya ko lalo na ang kapatid ko, si Cathy [Alex], pero ganun talaga. Napapanahon naman na kasing ako naman ang bumuo ng sarili kong pamilya sa piling ni Paul.”
Wala pa daw sa balak ng bagong mag-asawa na magkaroon ng anak dahil gusto daw muna nilang ma-enjoy ang company ng bawa’t-isa. “Priority nga naming ang isa’t-isa ngayon at ito ang ipinangako namin sa altar nung makasal kami.”
“Pero kung saka sakaling ibigay agad naman ng Diyos na biyayaan kami ng anak kaagad, by all means, it’s going to be a blessing.” Kambal nga ang gustong maging anak agad ni Direk Paul samantalang okay lang naman kay Toni maging babae man o lalaki basta’t normal at malusog ang baby.