May 23, 2025
Will Vic Sotto marry Pauleen Luna this year?
Latest Articles Uncategorized

Will Vic Sotto marry Pauleen Luna this year?

Jun 8, 2015

By PSR News Bureau

vic-sotto1

Matagal na panahon nang may mga alingasngas ukol sa balitang pagpapakasal ni Vic Sotto sa nobya nitong aktres na si Pauleen Luna. Noong nakaraang birthday ng komedyante kung saan nag-out of town trip ito kasama ang kanyang apat na anak—Danica at Oyo Boy, anak nito sa dating asawang si Dina Bonnevie, Vico, anak niya sa aktres na si Coney Reyes at si Paulina, anak niya sa dating aktres na si Angela Luz. Hindi nito kasama sa Boracay ang kanyang girlfriend at co-host sa ‘Eat Bulaga’ na si Pauleen Luna. Ang kasama nila sa nasabing trip ay ang mga apo ni Vic kina Danica at Oyo Boy kasama ang napangasawa nitong si Kristine Hermosa.

Ayon sa aming impormante, sadya daw tinipon ni Vic ang kanyang mga anak upang kausapin ang mga ito hinggil sa kanyang balak na diumano ay pakasalan na ang current girlfriend nitong si Pauleen Luna na halos kaedad lang ng kanyang mga anak. Hindi naman na malaking kaso ang kanilang edad para sa mga magulang ng dalaga at ganun din ito para sa mga anak ni Vic. Para sa kanila, basta’t magiging masaya ang kanilang ama ay masaya na rin sila para rito. Ayon kay Danica, noong umpisa’y aminado din silang may pagtutol sila sa nasabing relasyon, lalo’t halos kaedad lang nila ang nobya ng ama. Ganun din naman ang mga magulang ni Pauleen. Ngunit sa tinagal-tagal ng panaho’y napatunayan nilang tunay silang nagmamahalan kaya’t wala nang pagtutol sa magkabilang panig.

“Since we have our respective families na rin, of course, we’d want someone to look after Dad rin naman,” ani Danica na panganay ni Vic.

“It’s also about time that he [Vic] thinks of himself na rin. Basta happy si Dad, happy rin kami for him,” she added.

Will there be a wedding within the year for Vic and Pauleen? Philippine Showbiz Republic (PSR) certainly hopes the best for the couple.

Leave a comment

Leave a Reply