
Willie Revillame has lost P50M because of Wowowin; but gets his show back on a Sunday timeslot
By Roldan Castro
Ayaw pakawalan ng Kapuso network si Willie Revillame kaya maganda ang pag-uusap nila. Pinakinggan naman niya ang management. Ayon kay Kuya Wil kung sakaling natuloy ang finale ng “Wowowin” ay bibigyan niya ng separation pay ang mga staff at dancers niya at mag-move-on na. Siya naman ay tututok muna sa kanyang Five Star hotel sa Tagaytay. Hindi raw niya option ‘yung lumipat ng station. Pero nagbago ang lahat noong tawagan siya ni Mr.Joey Abacan.
“Actually, last Sunday talaga wala na sana kaming ipapalabas kasi medyo mabigat sa producer ‘yung time slot kaya’t hindi pinapasok ng advertisers. So, sabi ko sana may magandang changes, time slot lang or mabigyan ako ng daily show na makapagbibigay saya everyday. Pero one day, tinawagan nga ako ni Boss Joey Abacan. Sabi niya, ang una niyang open sa akin, ‘hindi mo kami iiwan, ayaw naming iwanan mo kami, ayaw naming mawala ka, mag-usap tayo.’”
“Sobra-sobra ang ibinigay, hindi ko ini-expect na ganoon. Actually, hindi ko na babanggitin, sobrang bigay nila sa akin na discount, parang pang-regalo na lang ito talaga. At the same time, dinagdagan pa ako ng 15 minutes tapos ‘yung time slot nga back to back ng “Sunday Pinasaya.” Napakagandang kumbinasyon,e, nandiyan sina Jose ,Wally, Ai Ai, Marian, Alden tapos meron ding pinasaya sa premyo. So lahat naayos,” deklara niya sa presscon ng ‘Wowowin.’
Gusto niyang ibalik ‘yung feeling na araw-araw ay masaya .Hopefully, pag gumanda ang ratings ng ‘Wowowin,’ maybe next year araw-araw na ang ‘Wowowin. Gusto raw niyang oras ay ‘yung 5:30 to 6:30PM bago ang 24 Oras kung pagbibigyan siya ng pamunuan ng GMA 7.
Aminado si Willie na tinamad din sya sa pagbibigay ng konsepto sa dati niyang time slot pero ngayon ay ginanahan na naman siya at mga bago raw ang mapapanood.
So, hahabaan ba niya ang pisi niya para sa “Wowowin’?
“Oo, titiyagaan ko na ito. May mga properties naman ako na puwedeng ibenta hanggang ma-maintain ko lang itong show na ito. Pag nabenta ko lahat ‘yan, aayusin ko ang schedule. Pag dumating naman ‘yung time na okay na, mababawi naman lahat ‘yan,eh,” sabi pa niya kung saan ay umaabot ng 10 million a month ang naging expenses niya sa show at almost 50 million na ang nalugi niya sa dating time slot ng “Wowowin.”
“Okay lang naman ‘yun. Alam mo pera lang naman ‘yun. Kikitain din naman natin ‘yan. Nagsimula ako sa ‘Wowowee’ wala naman akong pera, so, ibinabalik ko lang lahat ito,” dagdag pa niya.
In what way na malaking bagay ‘yung nadagdag na 15 minutes?
“Nadagdagan ‘yung saya at pakikinig kasi nai-edit out ‘yung puso,eh. Nai-edit out ‘yung saya kasi kailangan mong putulin. Pag nagi-edit nga ‘yung staff ko, naiiyak,eh. Nanghihinayang sila,eh. I’m sure naiitindihan ng management ‘yan,” bulalas pa niya.
Sinabi rin niya na nagpaalam siya kay Direk Johnny Manahan na makakatapat din ng kanyang show ang “ASAP 20” kaya’t bago niya tinanggap ang nasabing oras ay kinausap muna niya si Mr. M. “Naintindihan naman ni Direk, kahit ayaw naman niyang tumapat pero kagustuhan ng management at nasasaktan na siya sa gastos. Sinabi naman ni Direk na trabaho daw ‘yan.”