
Willie Revillame’s Wowowin returns on TV on a daily schedule
by PSR News Bureau
Siguradong matutuwa na naman ang mga masugid na tagasubaybay ni Willie Revillame at ang programa nitong Wowowin ay muling magbabalik sa unang araw ng Pebrero sa kanyang daily schedule. Mula alas singko y medya nang hapon ay maaari nang mapanood ng araw-araw ang naturang game show bago mag-24 Oras.
Siyam na buwan munang umere ang Wowowin bilang weekly show pero dahil na rin sa mga requests ng mga tagasuporta ng show at mataas naman ang raing dahil laging punumpuno ng mga commercials kaya’t pinagbigyan ang kahilingan ng marami na maging araw-araw na palabas ito.
Maging si Willie ay tuwang-tuwa na mas madaming tao ang kanyang mapapaligaya at matutulungan ngayong magiging araw-araw na ang Wowowin. Kasalukuyan na ngang pinaghahandaan ni Willie ang mga ipamimigay na papremyong pangkabuhayan para sa ating mga kababayan.
Nitong nakaraang Biyernes lang, January 29, ay muling pumirma ng panibagong kontrata sa GMA 7 si Willie. Masayang ibinalita ng aktor/TV host ang pagpapahalaga na ibinibigay sa kanya ng bago niyang network. Pero aniya, mas ikinatutuwa niya na muling nagkaroon ng tranaho ang production staff and crew ng kanyang palabas. Pinahahalagahan ni Willie ang mga ito dahil kasama niya ang mga ito miski noong panahong wala pa siyang programa. Sa hirap at ginhawa raw ay kasama niya ang mga ito.
“Sila yung mga taong kahit wala pa akong show, hindi sila nakakalimot. Nandiyan lang palagi sila, wala kang maririnig na kahit ano sa kanila,” pagmamalaki ni Willie.
Kaya’t markahan ang araw na ito, February 1, mula alas singkoy y medya, araw-araw na natin mapapanood ang Wowowin.