
Willie Revillame’s ‘Wowowin’ will be a daily show in 2016
by PSR News Bureau
Mukhang magiging buwenas ang pagpasok ng taon para sa TV host na si Willie Revillame at maging sa mga tagasubaybay nito. Ayon sa ilang source na nakausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), ang ‘Wowowin’ daw ay magiging isang daily program na sa pagsisimula ng taong 2016. Bukod kasi sa isang masayang programa ang Wowowin tuwing hapon ng Linggo, malaki rin ang naitutulong nito sa mga kababayan nating mahihirap.
Kilala si Willie bilang isang taong mayroong puso para sa mga mahihirap. Kaya naman dahil sa mabuting intension, lalong lumalakas ang ratings ng naturang programa magmula nang ito’y magsimula noong May 2015 sa GMA 7. Pinapataas kasi nito ang moral ng bawa’t tao.Nagbibigay ito ng pag-asa sa mga taong nangangailangan.
Matagal nang hinihintay ni Willie ang pagkakataong ito. Sa pagkakataong ito, pinagbigyan naman ng GMA network ang mga kahilingan ng fans. Bukod sa ‘Eat Bulaga,’ mayroon pang ‘Wowowin’ na maaaring makapagbigay sa kanila ng tsansa upang makamit ang mga pangarap nila sa buhay o magkaroon man lang kagihawaan.
Napabalita at ayon sa ilang alingasngas na ang programang ‘Wowowin’ ni Willie ang siyang papalit sa timeslot ng Starstruck. Balak din daw magdagdag ng ilang kapanapanabik na segments para sa nasabing show para mas maraming tao ang mapasaya at mabigyan ng pagkakataong magbago ang kapalaran ng kanilang buhay.
Kaya’t humanda na sa mga pasabog ng GMA network sa pagbubukas ng taong 2016! Madami pang mga susunod na mangyayari. Isa lang ang ‘Wowowin’ sa may magandang balita para sa mga viewers nito. Ito ang dahilan kung bakit mas pinili ni Willie na siya mismo ang mag-manage ng sarili niyang show.
Ang espesyal na koneksyon ni Willie sa kanyang fans, ang pagiging masipag nito at eksperiyensiya sa pagiging isang host, ang patuloy na pagtuklas sa mga bagong lahok na palaro at segments—ilan lamang iyan sa dahilan kung bakit magtatagal pa ang ‘Wowowin.’ At least, iyan ang ipinagdarasal ng fans ng naturang show, lalo’t higit ang mga senior citizens na walang sawang sumusubaybay sa programa.