
Winwyn Marquez denies relationship with Mark Herras
by Rommel Placente
Idininay ni Winwyn Marquez ang napapabalitang boyfriend niya na si Mark Herras. Ayon sa dalaga, good friend niya lang si Mark. Mula raw nang mag-start siya sa showbiz, si Mark na ang lagi niyang kasama at hanggang ngayon. Parehas daw kasi sila ng mga kabarkada.
Sa tingin ni Winwyn, dahil lagi nga silang nakikitang magkasama ni Mark, kaya nasasabi na may relasyon sila. Pero ipinagdiinan niya na talagang magkaibigan lang sila ng ex ni Jennylyn Mercado.
Pero nararamdaman daw niya na gusto siyang ligawan ni Mark. Pero pinipigilan niya raw ito.
“May difference, iba na kasi ang closeness namin. Pero for me, it’s not gonna go beyond that. Ayoko po kasi. At saka sabi ko sa kanya, ayokong magpaligaw. Ayoko talaga. Maybe because kaibigan ko siya. As friends, ayoko,” sabi ni Winwyn sa isang interview sa kanya.
So, iisa lang ang ibig sabihin nito, hindi type ni Winwyn si Mark na maging boyfriend. Bakit yung ibang magkakaibigan na babae at lalaki ay nagkaka-develop-an, di ba? Nagkakaroon sila ng relasyon pagkatapos nilang maging close. Siguro, ayaw lang ni Winwyn sa lalaking may anak na.
[divider]
Piolo Pascual wishes to work with Judy Ann Santos again
Gusto ni Piolo Pascual na makatrabaho ulit ang dati niyang ka-loveteam na si Judy Ann Santos. Noong Linggo after mag-guest sa kanilang show na ‘ASAP’ si Juday, ay nag-post siya sa kanyang Facebook at Instagram accounts ng ganito: “So great to see the person that gave me my biggest break in showbiz… I’ll always be indebted to your kindness? Congrats on another blessing!”;) Sana maka-work kita uli @officialjuday.”
Sa post na iyon ni Piolo ay may kasamang picture nila ni Juday together. Nagpakuha muna siya ng picture sa misis ni Ryan Agoncillo.