
Winwyn Marquez to play title role in A and Q Productions’ ‘Nelia’
Pangungunahan ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez ang kakaibang pelikulang tatalakay sa mental illness, depression, and anxiety.
Pinamagatang Nelia, tampok din dito sina Mon Confiado, Dexter Doria, Lloyd Samartino, Vin Abrenica, Ali Forbes, Shido Roxas, at Raymond Bagatsing bilang si Dr. Rey.
Ipinahayag ni Winwyn na nagandahan siya sa kuwento nito kaya natanong niya ang direktor kung para sa kanya ba talaga ang pelikula.
Lahad ng aktres, “Kasi very challenging siya. But they made me read the full script and after I did, I said yes. Kasi, it would be foolish for any actress na pakawalan ang ganito kagandang role.”
May pressure ba na naka-atang sa balikat niya ang pelikula, tapos ay panahon pa rin ng pandemic ngayon?
Esplika ng aktres/beauty queen, “Gaya nga po nang sinabi ni attorney, it’s very nice to hear na she wants to make quality film and hindi niya priority ngayon ‘yung kumbaga, kumita.
“And bilang artista, at least alam namin na hindi kami mape-pressure na kailangan ay ganito ang mangyari.”
Dagdag pa ni Winwyn, “At least, ang focus namin ngayon is how we act and how we can portray our role better and to showcase to people in different flatforms. Lalo na ang dami nang flatforms sa internet, di ba? Mas malawak na ang reach, hindi mo alam kung sino ang makakapanood.
“So, thankful din ako na nandiyan sina attorney na iyan ang naiisip nila. Kasi, bilang artista na ngayon lang talaga magkakaroon ng title role, confident ako na iyon yung iisipin ko muna, kung paano mabigyan ng justice… hindi yung iisipin ko kung magkano ang kikitain ng film.
“Ang iisipin ko muna is sana magawan ko ng justice and magustuhan nina Atty. Honey. And I think once they feel na I did my best and yung ibang mga kasama ko po, it will follow naman, it will follow naman, for sure.”
Nagsimula na ang shooting nila sa naturang pelikula sa isang undisclosed new hospital sa Gapan, Nueva Ecija.
Nabanggit din ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez kung paano niya pinaghandaan ang role sa pelikulang ito.

“Actually, I’m trying to watch movies, inuulit ko yung… favorite ko kasi talaga yung Gone Girl ni Rosamund Pike and mayroon din siyang bagong movie na lumabas ngayon, yung I Care a Lot. So, I’m trying to watch yung mga ganoong characters.
“And kasi may mga kilala rin po ako na Dean of Psychology, so I asked questions also about mental illness and then I have friends na psychologist, so I asked lang po kung paano ba yung mga nuances, kung paano nila nalalaman na ganito yung sakit nila, kung ano ang una nilang sinasabi, kung paano sila kumilos.”
Aniya pa, “So mostly, asking questions talaga roon sa mga taong may alam talaga. Kasi, hindi naman puwedeng gawa-gawa lang ako. Kasi, this is real life and they have to have people who are in that profession and seen people with, you know, talagang may mental illness.
“So, I have to asked people who knows talaga and who are in that field.
“Then i-inject ko na lang yung fictional character sa mga ganoong movie na nasabi ko. Then, siguro yung hugot ng fear, ng lungkot, siguro ay personal na lang din yun, para may touch din na ako yun, kumbaga.”
Directed by Lester Dimaranan, ang Nelia ang unang pagsabak ng A and Q Productions Films Incorporated sa pagpoprodyus ng pelikula.
Ang kompanya ay pinamumunuan nina Attorney Aldwin F. Alegre and Attorney Mary Melanie Honey Quiño, na siya ring sumulat nito.