May 24, 2025
Winwyn shuts down body-shamers: I don’t need to adjust!
Latest Articles

Winwyn shuts down body-shamers: I don’t need to adjust!

May 2, 2020

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang paglusog ng pangangatawan ng dating beauty queen-actress na si Winwyn Marquez.

May nagtatanong tuloy kung produkto raw ba ito ng lockdown o enhanced community quarantine.

Hirit pa ng ilan, hindi raw kaya nagpapabaya na ang dating beauty queen mula nang mag-split sila ng ex nitong si Mark Herras na may dyowa na ngayon.

Sey nga ng isang bitchy netizen na nagngangalang @si_bebe_ni  nagmumura raw sa katabaan ang Kapuso actress.

“Tumaba ka, ang lalaki ng mga muscles. Maganda ‘yong katawan mo dati ‘yong nanalo ka as [beauty queen],” sey ng basher.

Hindi naman ito pinalampas ng 2017 Reina Hispanoamericana beauty titlist.

“Well I like my muscles and if mataba yan for you search mo words na fit and healthy sa Google,” depensa ni Winwyn.

Aniya, hindi rin siya apektado sa mga komento sa kanya ng kanyang bashers.

“I don’t need to adjust dahil mas gusto mo yung katawan ko dati,” hirit niya.

Si Winwyn ay isa sa mga host ng Glow Up, isang lifestyle informative show na napapanood sa GMA News Channel.

Leave a comment