May 23, 2025
“I wish to work again with James Reid. I miss him.” – Devon Seron
Latest Articles

“I wish to work again with James Reid. I miss him.” – Devon Seron

Apr 16, 2015

john@fontanilla
by John Fontanilla

download Halos mag-iisang taon na daw na walang regular show ang ex PBB Teen at endorser ng My Phone na si Devon Seron since natapos ang kinabibilangan nitong soap sa hapon na ” Moon of Desire ” na pinagbidahan nina Meg Imperial at JC De Vera.

Sabi nga ng batang aktres nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (Psr.ph) na naghihintay lang siya na mabigyan ng panibagong show ng Kapamilya Network.

Okay naman po wala pa akong regular shows right now, pero sa awa ng Diyos nagkakaroon naman ako ng raket. Pero naghihintay lang po ako. Siguro mag-iisang taon na rin akong walang regular show simula ng matapos yung Moon of Desire.”

“Pero nagkakaroon din naman ako ng work paminsan-minsan , like nakapag-MMK (Maalaala Mo Kaya) naman ako. Tapos nakakapag-guest din ako sa ibang shows ng ABS CBN and sa mga out of town at mall shows. Alam ko naman na mabibigyan din nila (ABS CBN)ako ng trabaho. Kailangan ko lang talaga maghintay para sa bagong proyekto na akma sa akin.”

“I’m planning to go back to school (habang wala pa daw siyang regular show ay babalik daw muna siya sa pag- aaral), huminto kasi ako ngayon. Kapag next semester wala pa akong show, babalik ako sa 1st year college, pero right now hindi ko pa alam kung anong course at saang school ako mag aaral, medyo pinag- iisipan ko pa. Nami-miss ko din kasi ang pag-aaral simula nung tumigil ako at nag-artista.”

Pero if mabibigyan ako ng bagong assignment, I’ll try na lang pagsabayin ang pag aaral at pag aartista, kung nagagawa ng iba, makakaya ko rin. Susubukan ko yung makakaya ko.

Totoo ba na naba-bash siya ng JaDine Fans (fans of James Reid and Nadine Lustre)?

Hindi pa naman ako naba-bash. Siguro nung sinabi ko na gusto ko ulit makatrabaho si James Reid, baka naintindihan ako ng fans since ako naman yung unang nakapareha niya. And wala naman akong intensyon na agawin siya kay Nadine ( Lustre ), dahil alam ko naman na nag-click na yung love team nila.

James-Reid-Devon-Seron“Siguro kapag nakasama ako sa soap nila , doon ko lang makakatrabaho ko ulit si James. Naging magkaibigan naman kami ni James noong panahong katambal ko pa siya. Lalo na’t parehas kaming nasa ABS-CBN. Close naman kami before at nami-miss ko na rin siya kasi matagal na kaming hindi nagkasama at nagkikita.”

“Kung darating yung time na may mang-bash sa akin, hindi ko na lang papansinin, deadma na lang ako. Kasi kapag pinansin ko at pinatulan ko, mas lalo lang lalaki at magiging malala kaya mas magandang quiet na lang. Pero sana hindi sila magalit kasi tungkol lang naman yun sa work, walang personalan. Happy talaga ako for James.

Masaya ang aktres para sa success na tinatamasa nang dati niyang katambal na si James Reid. “Happy ako kasi naabot na niya yung tagumpay. Sikat na sikat yung loveteam nila ni Nadine. Alam ko naman nay un ang gusto talaga ni James, yung umarte at makilala. Kaya kung anuman ang naabot ng career niya, pinaghirapan at pinagtrabahuhan naman niya ito. Bilang kaibigan at kapwa artista, I’m just too happy for him.

Nakita ko at alam ko kung gaano ka-dedicated si James sa kanyang career at work kaya naman he deserves the success he’s reaping now.”

Anong balak gawin ni Devon nitong summer vacation?

Actually sa bahay lang ako kasama ng family ko, pero since wala pa akong regular work baka umuwi ako ng Cebu, kasi taga-Cebu naman ako. Minsan lang kami nagkaka-bonding ng family ko kasi may kanya-kanyang trabaho, kaya ito lang yung time na puwede kaming magkasama ulit,” pagtatapos ni Devon.

Leave a comment

Leave a Reply