
On working with Toni Gonzaga: “I’m not used in doing comedy, but I’m happy Toni has guided me to properly deliver comic punchlines.” —Coco Martin
Kung tutuusin si Coco Martin ay maituturing ng award-winning actor dahil marami na siyang napatunayan na sa larangan ng pag-arte, ngunit hindi pa rin siya natatakot na hamunin ang sarili para subukan ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa. Dahil identified siya sa mga drama kung saan siya unang nakilala, aminado ang Primetime King na ang role niya sa “You’re My Boss” ay maituturing niya na isa sa mga pinaka-challenging sa lahat ng roles na nagampanan niya.
“First time kong makagawa ng ganitong pelikula. Ibang-iba siya. Sobrang hirap sa akin kasi bago sa akin ang ganitong klaseng genre, ”ayon kay Coco.
Inamin ni Coco na ang paglabas sa “You’re The Boss” ay paglabas sa kanyang comfort zone.
Totoo bang na-take 5 or 6 ka sa mga eksena mo rito?
“Oo”, tugon niya.
Saang parte ng pelikula ka nahirapan?
“Lahat noong mga comedy scenes. Sanay kasi akong humaharap sa kamera na may karga, pero dito kailangan kong isalang sa kamera na nagko-comedy pero hindi dapat pilit at natural ang dating. Thankful nga ako kay Toni na inalalayan niya ako sa mga eksena ko rito, lalo na iyong mga eksenang nag-i-ingles ako kasi hindi naman ako sanay magsalita ng Ingles.”
Naging kabado rin si Coco sa unang pagtatambal nila ni Toni.
“Natakot kasi ako na mahusgahan ni Toni. Hindi ko forte ito kaya sabi ko, hindi ako puwedeng magkamali. Siya take one pero ako nakakailang takes”, sey niya. “Perfectionist kasi at matalino si Toni at nakakahiya naman kung hindi ko masasabayan ang kanyang galing sa pagpapatawa,.” dugtong niya.
Kung meron mang natutunan si Coco si Toni ay ang tamang pag-deliver ng punchlines at ang perfect comic timing.
“Parang nag-aaral uli ako pero dahil magaling siyang artista, nangyayari at nangyayari na lumalabas ang aming chemistry”, aniya.
Sa “You’re My Boss” may eksenang kinailangang maghubad ni Coco.
“Nanibago ako kasi hindi naman ako sanay na nagtatanggal ng damit sa mga teleserye ko. Pero dahil malaki ang tiwala ko sa aming director na si Direk Antoniette (Jadaone), noong sinabi niyang hubad, basta binigay ko lang ang best ko. Kasi, kailangan kasi iyon noong mag-switch ang characters namin ni Toni,”tsika niya.
Pressure rin para kay Coco na tapatan o mahigitan ang record ng huling pelikula ni Toni na “Starting All Over Again” kung saan nakapareha nito si Piolo Pascual na itinuturing na isa sa mga highest grossing Pinoy movies of all time.
Papel ng isang mensahero na nakipag-switch ng roles sa isang top-level executive ang binibigyang-buhay ni Coco sa “You’re My Boss” na mapapanood na sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula sa Abril 4 mula sa direksyon ng breakout romantic comedy director ng 2014 na si Antoniette Jadaone.
Follow me…