May 22, 2025
Working with his mom on the big screen excites Sancho de las Alas
Home Page Slider Latest Articles

Working with his mom on the big screen excites Sancho de las Alas

Apr 19, 2016

Archie liao

by Archie Liao

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Sumabak na rin sa paggawa ng pelikula ang anak ng Comedy Queen na si Ai Ai na si Sancho delas Alas. Gaano kalaki ang impluwensiya ng mga magulang mo sa pag-aartista mo?

“Actually, bata pa lang po ako, gusto ko nang mag-artista. My biological father is a famous stage actor noon. Si Mama naman ay artista rin at pareho silang umaarte. Naisip ko, baka meron din akong talento tulad nila so, sabi ko, why not give it a try?”

Anak ka ng Comedy Queen. Hindi ka ba napre-pressure sa magiging expectations sa iyo ng mga tao dahil ang iyong ina ay isa nang institusyon at napakalaking pangalan sa showbiz?

“Ang dami pong nagsasabi sa akin niyan. Hindi naman ako nagpapaapekto. Si Mama naman, nasa itaas na dahil senior na siya among our celebrities at may pangalan na. Hindi maiaalis na may mga taong nag-e-expect na ako ay maging katulad niya pero, hindi ko inilalagay ang sarili ko kung nasaan na siya, basta ako willing akong matuto dahil nagsisimula pa lang ako”, aniya. Inaamin ko pong malaking bagay iyong anak ako ng Mama Ai Ai ko, pero gusto rin namang gumawa ng pangalan para sa sarili ko. Pangarap ko rin na namang makilala at magkaroon ng award kahit hindi best actor, kahit isa lang,”pahabol niya.

Hindi ka ba kinakabahan na makaeksena sa pelikula ang Mama Ai Ai mo?

“More than kinakabahan, mas excited ako. I think mas magiging madali pa nga sa akin kahit boss ko man siya o friend dahil iyong relationship naming dalawa ay very tight.”

Sa estado ng career mo ngayon, ano ang mas gusto mo, i-groom ka as a matinee idol or as a serious dramatic actor?

“Puwede naman po akong matinee idol at puwede rin naman akong diretsong dramatic actor. Kahit anong roles naman ang ibigay nila sa akin, tinitingnan ko siyang opportunity para mag- grow ako at para na rin iba’t-iba at hindi pare-pareho ang mga ginagawa ko.”

Sa mga Kapuso actresses, sino ang gusto mong maging ka-love team?

“Gusto ko po si Kylie Padilla,” giit niya.

Papel ng isang bugaw ang role mo sa “Area”. Bilang isang lalake na dumaan sa pagbibinata, nagkaroon ka na ba ng karanasan sa mga bugaw?

“Siguro, lahat naman po dumadaan doon, kaya lang mas mabuti na iyong nag-iingat tayo”. Hindi naman ikinaila ni Sancho na na-devirginize siya sa edad na trese. Willing ba siyang magpaka-daring sa pelikula? “Depende po. Basta ako, gusto ko pong gawin ang best ko”

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

How about butt exposure?

“Siguro, puwede ko pong paghandaan .Wala naman pong magiging problema kung talagang kailangan”.

Aminado rin si Sancho na crush niya si Eula Valdez. Wish nga niya na makagawa sila ng pelikula na ala “Summer of ‘42” kung saan ang magaling at award-winning actress ang do- donselya sa kanya at magiging first sexual experience. Bukod kay Ai Ai, kasama ni Sancho sa pelikula ang internationally acclaimed at multi-award winning actor na si Allen Dizon sa “Area”.

Mula sa BG Productions ni Ms. Baby Go, ito ay sa direksyon ni Louie Ignacio. Nasa cast din si Sancho ng GMA teleseryeng “Wish I May” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Tristan, ang pinsan ni Miguel Tanfelix. Unang nagkasama sina Ai Ai at Sancho sa teleseryeng “Let The Love Begin”.

Leave a comment

Leave a Reply