June 8, 2025
Xian Lim celebrates his third-time Best Supporting Actor win in 33rd Star Awards for Movies; Klinton Start fires up the dance floor
Latest Articles This is it!

Xian Lim celebrates his third-time Best Supporting Actor win in 33rd Star Awards for Movies; Klinton Start fires up the dance floor

Sep 6, 2017

Si Xian Lim, na gumanap bilang anak ng Star for all seasons Vilma Santos sa pelikulang ‘Everything About Her,’ ang tinanghal na Movie Supporting Actor of the Year sa katatapos lang na PMPC 33RD Star Awards For Movies.

Ito ang pangatlong beses na nanalo siya bilang Best Supporting Actor.

Una ay sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students), Pangalawa ay sa Gawad Tanglaw.

Present din sa okasyon si Xian kaya personal niyang nakuha ang kanyang trophy.

Isa ako sa members ng PMPC at si Xian ang binoto ko. Para sa akin, siya kasi ang pinaka-deserving manalo dahil ang husay-husay niya sa kanilang pelikula, lalo na sa hospital scene nila ni Ate Vi.

Sa lahat ng detractors ni Xian na nagsasabi na bano siyang umarte, siguro ay hindi na nila ‘yun sasabihin dahil tatlong Best Supporting Actor na ang napasakamay niya. Ibig sabihin, mahusay nang umarte si Xian, di ba? Atleast siya nag-level up ang akting. Hindi gaya ng ibang artista na kahit matagal na sa showbiz ay hindi pa rin marunong umarte.

*************************

Ilang beses na naming napapanood si Klinton Start na sumasayaw at lagi na lang ay napapahanga niya kami dahil talagang mahusay siyang sumayaw, hataw siya sa dance floor.

klinton-1

Nung nag-guest siya sa M2M2M concert nina Marion Aunor, Marlo Mortel at Michael Pangilinan na ginanap sa Zirkoh, Tomas Morato kamakailan, ay hindi lang siya nagsayaw kundi kumanta rin.

First time naming narinig na kumanta si Klinton at  na-impress kami sa boses niya, huh!

Sabi nga namin sa aming best friend na si John Fontanilla, na katabi namin habang pinapanood ang performance ni Klinton, ay maganda pala ang boses nito at bagay sa boses niya ang kinanta niya titled Night Changes.  Hindi lang pala sa dancing, kundi maging sa singing ay may ibubuga ang gwapo at flawless na binatilyo.

 

Leave a comment