May 23, 2025
Xian Lim gets dirty for ‘Untrue’
Latest Articles

Xian Lim gets dirty for ‘Untrue’

Feb 18, 2020

Malaking sakripisyo ang ginawa ni Xian Lim para sa kanyang role sa pelikulang Untrue na kinunan pa sa bansang Georgia.

“Kinausap ako ni Direk that I have to gain 20 lbs. for my role. Tapos, kailangan ko ring magpatubo ng balbas,” aniya.

“Sabi niya, ayaw daw niya iyong model na clean ang looks especially iyong role ko rito is psychologically disturbed,” dugtong niya.

Pahabol pa niya, ito rin daw ang unang pagkakataon na gumanap siya ng isang dark character na maituturing niyang out of his comfort zone.

Tungkol naman sa sigalot nila ng award-winning director na si Sigrid Andrea Bernardo na director niya sa Untrue, hindi niya ikinaila na nagkaroon sila ng creative differences nito habang ginagawa ang pelikula sa Georgia.

“I think it’s normal sa isang director and actor to have differences. It’s just normal. The director has her vision and the actor has his understanding of the material and it’s their job na ‘magbarilan’ and meet somewhere in between,” paliwanag niya.

Idinenay din niyang ang pagmamarunong niya ang dahilan ng naging alitan nila ng magaling na director ng box office hit na “Kita Kita,” lalo pa’t nakatikim na rin niyang makapagdirek.

Si Xian ay nagdebut as a director sa Cinemalaya movie na “Tabon” na ipinalabas noong nakaraang taon.

“Hindi siya ganoon. It’s more of kung paano mo aatakihin ang role. Ang bigat kasi ng pelikula at kung papanoorin mo, doon mo siya maiintindihan,” paliwanag niya.

Sey pa niya, malaki raw ang respeto nit okay Direk Sigrid  at given the chance ay gusto pa rin  niya itong makatrabaho in the future kung tamang role para sa kanya.

“So¬brang metikuloso ni Direk Sigrid at na-witness ko iyong passion niya for her craft,” ani Xian.

“Tinutukan talaga niya kami ni Cristine sa aming workshop, and so far, marami rin akong natutunan sa kanya, especially for me na pumasok na rin sa filmmaking,” dugtong niya.

Sa Untrue, binibigyang buhay ni Xian ang papel ni Joaquim, isang  Pinoy migrant sa Georgia na nakatagpo ang isang mahiwagang babae na magbibigay ng kumplikasyon sa knayang buhay.

Babalutin ng kasinungalingan ang kanilang relasyon at hahantong ito sa karahasan dahil kapwa sila biktima ng multo ng kanilang nakaraan.

Sa pelikulang may dalawang bersyon ang katotohanan o kasinungalingan, isang  kakaibang viewing experience ang ginagarantiyahan ng Untrue na obra ng de-kalibreng director na si Sigrid Andrea Bernardo.

Mula sa  produksyon ng Viva Films at  The Ideafirst Company, ang “Untrue” ang unang pagtatambal nina Xian Lim at Cristine Reyes na palabas na sa lahat ng mga sinehan simula bukas, Pebrero 19.

Leave a comment