May 24, 2025
Xian Lim is happy to be given another teleserye project
Home Page Slider Latest Articles T.V.

Xian Lim is happy to be given another teleserye project

Feb 19, 2016

by PSR News Bureau

xian lim
Photo grabbed from:IG @xianlimm

Inamin ng aktor na si Xian Lim na nagkaroon talaga ng panahon na nadismaya siya dahil wala itong natatanggap na proyekto para gumawa ng bagong teleserye sa kanyang homenetwork, ang ABS-CBN. Ayon kay Xian, hindi raw niya naalis sa sarili niya ang mainip sa tagal ng pagitan mula noong huli siyang lumabas sa isang teleserye. Aniya, nagtatanong na nga raw siya sa kanyang handlers kung bakit umabot ng halos dalawang taon ang nakalipas pero hindi pa siya nabibigyan ng bagong soap opera. Kaya naman laking tuwa ni Xian nang finally ay maibigay sa kanya ang The Story Of Us kung saan makakasama na naman niya si Kim Chiu. Kinalaunan ay ipinaliwanag na rin naman kay Xian ng management at production, pati ng Star Magic kung bakit tila natagalan ang sumunod na proyekto ng aktor. Pinagisipan daw mabuti nang isang taon at madami ring workshops ang nabuo muna, inaral ng mabuti ang script para mas lalo pang mapaganda na natural ay sumailalim muna sa ilang revisions hanggang sa mabuo na ang buong kuwento.

Bilang isang aktor, aminado si Xian na nakakakaba at halos ma-depress siya kapag matagal kang walang project. Mahirap daw kasi yung ganung feeling na alanganin ka kung gusto ka pang mapanood ng tao o hindi na. Kaya naman sobrang happy si Xian na magkasama silang muli ng katambal at rumored girlfriend na si Kim.

Hindi naman daw niya naisip na mag-quit na lang sa showbiz dahil napamahal na sa kanya ang kanyang craft. Pinagiigihan naman daw niya ang kanyang trabaho hangga’t kaya niya. Pero bilang tao, inaamin rin niya na may pagkakataong nadi-discourage din siya. Mabuti na lang at dumating nga ang offer para gawin niya ang The Story Of Us.

Sa huling naging proyekto ni Xian ay nabigyan siya ng papuri ng no less than the Star for All Seasons herself, si Ms. Vilma Santos. Sa naturang pelikula ay napatunayan naman ni Xian na mayroon itong ibubuga sa aktingan. Ayon sa mga nakapanood ng pelikula, doon daw lumabas ang dramatic side ng aktor. Pinayuhan nga raw siya ni Kim na magantay lang tapos kapag nandiyan na raw yung proyekto, itodo na nila at galingan.

xian lim 3
Photo grabbed from:IG @xianlimm

Sinabi rin ni Xian na baka itong proyekto na ito ang huling maging project nila ni Kim together. Baka daw kasi matagalan muli bago sila magkatrabahong muli. Sinisiguro naman daw nila ni Kim na hindi sila mapapahiya sa mga manonood ng serye lalo’t higit sa fans ng KimXi. Miski si Kim ay proud daw kay Xian sa seryeng ito. Ayon sa aktres ay madami daw ginawa si Xian na dito pa lang makikita ng mga tao. Ibinigay daw lahat ng aktor ang lahat ng kanyang makakaya sa bago nilang teleseryeng ito. Ito daw kasi ang unang serious at mature roles nilang dalawa. Kaya hindi nila sinayang ang pagkakataong ipinagkatiwala sa kanila ang proyektong ito.

Hitik daw ang The Story of Us ng love scenes at halikan na siguradong ikakikilig ng fans ng dalawa. Ayon pa sa mismong direktor nila na game na game daw sina Kim at Xian na gawin anuman ang kailangan sa istorya kaya wala itong naging problema sa set.

Tiwala naman daw si Kim sa kapareha. Sinigurado naman nina Xian at direk na hindi lalabas na bastos ang mga eksena. Mapapanood ang The Story of Us simula sa February 29 sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Makakasama nila Xian at Kim dito sina Zsa Zsa Padilla, Bryan Santos, Aiko Melendez at Gardo Versoza.

Leave a comment

Leave a Reply