May 25, 2025
Xian Lim opens up about Kim Chiu
Latest Articles

Xian Lim opens up about Kim Chiu

May 25, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

[VIDEO-Xian-Lim-and-Kim-Chui-Sweet-Moment-On-and-Off-Cameradropcap]A[/dropcap]yon kay Xian Lim, nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa presscon ng isang award-giving body kung saan ay nanalo siya rito bilang ‘Male Fab Star of the Year’ at sila ni Kim Chiu bilang ‘Celebrity Pair of The Year’ ay wala raw siyang sama ng loob o tampo sa mga writers na bumatikos sa kanya noon dahil sa ‘I Love Albay’ T-shirt controversy nitong nakaraang Pebrero. Nabasa nga raw niya halos lahat ng write-ups tungkol sa insidenteng yun sa kanya.

“Wala naman pong pagtatampo. As much as possible po, para sa akin po, binabasa ko po talaga lahat. Maski po masakit, to be honest, masakit po yun na makakabasa ng mga hindi magaganda pero dun po ako matututo as a person and as an artist,” sabi ni Xian. Napaisip nga raw siya matapos niyang mabasa ang mga hindi magandang komento tungkol sa kanya.

“Kung ito yung mga sinasabi ng mga tao sa akin, maybe kailangan din merong pagbabago on my side. Hindi lang naman puro, ‘Hayaan mo na, hayaan mo na,’ ‘di ba? We just had to learn from it, ‘di ba?,” sabi pa ng aktor.

Samantala, nang tanungin si Xian tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Kim Chiu, ang sabi niya ay nararamdaman niya na malapit nang maging sila ng kanyang ka-loveteam.

“Yes, malapit na po. Ipinararamdam ko naman po sa kanya na, kumbaga, sa pag birthday niya, kung meron siyang special events sa buhay niya, ipinaparamdam ko naman. Ipinapakita ko naman sa kanya na nandun ako. At nakikita ko naman po sa mga ngiti niya na baka malapit na.

Parang nakikita ko na mas nangingiti siya ngayon. Kaya, yun nga, sabi ko nga na baka. Ang basa ko nga dito, parang malapit na.”

Leave a comment

Leave a Reply