
Xian Lim says working with Vilma Santos is a learning and humbling experience
by Archie Liao
Bago pa man nagsimula ang shoot ng pelikulang “Everything About Her,” marami nang negang write-ups na lumabas tungkol sa Kapamilya hunk actor na si Xian Lim. Napabalita noon na bano raw itong umarte at naka-ilang takes para sa Kapamilya teleserye noong “Bridges of Love” kung saan pinalitan ito ni Paulo Avelino.
May mga tsika ring may attitude problem daw ito at nagpri-prima donna noong ginagawa niya ang pelikulang “Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo?” na pinagtambalan nila ng kanyang perennial na ka-love team na si Kim Chiu.
Katunayan, inamin mismo ni Governor Vi na prior to the shoot ay may naririnig at nababasa na nga raw siyang unpleasant tungkol sa tsinitong actor.
Naging challenge ito sa Star for All Seasons na hindi sinukuan ang actor dahil naniniwala raw siya sa potential nito.
“ I think it’s very unfair na masabihan si Xian ng ganoon kasi lahat kasi ng artista , dumaan sa ganitong stage. Ang pinakahahangaan ko lang, because he’s very willing to learn. At sa experience ko rito sa pelikula while shooting it, trinatrabaho niya talaga, ginagawa niya iyong kanyang assignment,” paliwanag ni Governor Vi tungkol sa kanyang experience kay Xian.
“Pag kaeksena ko siya, nararamdaman ko siya na lahat ng puwede niyang ibigay, emotionally, lahat, ibinibigay ni Xian. Hindi porke, iyong edad niya ngayon, mga newcomers, hindi eh. Tinatrabaho talaga niya and I think dito sa pelikulang ito, maipagmamalaki naming si Xian Lim,” dugtong ng butihing gobernadora.
Para naman kay Xian, isang learning at humbling experience ang makatrabaho ang Star for all Seasons.
“She always tells me na lahat ng involved sa set matters, mula sa mga nagdadala ng ilaw, naglilipat at bumubuhat ng kamera, pati na iyong gumagawa ng errends, sa makeup artist sa lahat ng cast and crew involved, so dapat you treat them fairly. Importante iyong hindi mo sila nini-neglect. She also stresses na pagdating sa trabaho, equal kaming lahat na hindi porke artista ka ay espesyal ka na. Na dapat propesyunal ka at considerate sa mga taong katrabaho mo, dahil ano mang delay o aberya sa shooting, apektado ang lahat so dapat hindi mo sila dapat tina-take for granted. Lagi niyang nire-remind sa akin na hindi dapat marunong makisama at hindi mo silang mane-neglect,” ayon kay Xian.
Naging emosyonal din na nagpaliwanag si Xian tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanyang noon sa presscon ng pelikula.
“Nagpapasalamat po ako sa Star Cinema for giving me the chance to give it everything I’ve got. And pasalamat din po ako kay Direk Joyce for giving me trust”, sabi niya. “Kasi po lahat naniniwala sa akin, aaminin ko naman po eh, marami kayong naririnig,” pahabol niya.
Binigyan din niya ng kredito ang press people na nagbibigay sa kanya ng lakas.
“Sa inyo po ako humugot ng lakas. And it’s part of learning. Tulad ng sabi ni Tita (Vi), it’s part of learning, everything is learning. And when you stop learning, I think, that’s the time you die. Everything is a learning process.”
“So, nagpapasalamat lang po ako sa Star Cinema, kay Direk for believing in every scene that I do, and sa inyo pong lahat. Bigyan n’yo man po ako ng good write up or bad writeup, I’m very thankful for everything. Maraming salamat po.”
Ang “Everything About Her” ang most anticipated movie event of the year tungkol sa isang dominanteng executive na gustong kontrolin ang lahat ng mga tao sa kanyang paligid kasama na ang kanyang anak na lalake, na nagbago ang pananaw nang ma-diagnose siya na may cancer at makakuha siya ng katapat sa katauhan isang mabait at pursigidong nars na hindi siya sinukuan sa kabila ng kanyang makasariling ugali.
Si Vilma Santos ay nagbibigay-buhay kay Vivian ang makasariling CEO, si Angel ang nars at si Xian ang gumaganap bilang anak ni Governor Vi.
Ito ay sa direksyon ng magaling na director na si Bb. Joyce Bernal.
Mula sa Star Cinema, ang home of quality movies, ito ang opening salvo ng kumpanya at mapapanood na simula sa Enero 27 sa lahat ng sinehan sa buong bansa.