
Xian Lim on Star Awards for Music nominations: This is already a win
Apat ang nakuhang nominasyon ni Xian Lim sa darating na 9th and 10th PMPC Star Awards For Music, na gaganapin sa September 9, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.
Nominado siya bilang Male Recording Artist of The Year, Male Pop Artist of the Year, Male Concert Performer of the Year, para sa concert niyang “Songs In The Key of X” at ang album niyang “Key of X” bilang Pop Album of the Year.
Nang makausap namin si Xian, masaya raw siya sa nominasyong nakuha niya sa nasabing award-giving body.
Sabi ni Xian, “Sobrang saya. Alam ninyo, ’yung hardwork na nilagay namin dun sa album, sa concert, sa kanta, it’s finally paying off. I mean, this is already a win para sa akin, ‘yung nominasyon. And just be recognized, sobrang sarap.”
So, hindi siya nag-i-expect na mananalo ng kahit isang award?
“Walang expectation,” sagot ni Xian.
“I mean, dito pa lang sa nominasyon, I’m just really happy. This is already a win, na na-recognize. I mean the recognition itself, is already a plus para sa akin.”
•••••••••••••••••••••••
Si Ken Chan ang pangunahing bida sa bagong serye ng GMA 7 na “My Special Tatay” na gumaganap siya rito bilang isang autistic.
Sa “Destiny Rose” na pinagbidahan noon ni Ken, ay hinangaan siya dahil nagampanan niyang mabuti with flying colors ang role niya rito bilang isang transgender, this time kaya, mapahanga kaya niyang muli ang manonood?
Magampanan din kaya niyang mabuti ang pagiging autistic?
Kung hindi, ay baka laitin lang siya, at sabihan ng kanyang detractors na hindi niya carry ang role, na sa iba na lang sana ito ibinigay.
Pero mahusay namang aktor si Ken. Baka naman makaya niyang gumanap bilang isang autistic, di ba?