May 22, 2025
Xian Lim proves his acting ability in “Everything About Her”
Latest Articles This is it!

Xian Lim proves his acting ability in “Everything About Her”

Jan 29, 2016

Napanood namin ang “Everything About Her” mula sa Star Cinema na pinagbibidahan ni Gov. Vilma Santos. Kasama niya rito si Xian Lim na gumaganap bilang si Albert na solong anak ni ate Vi.
Tama ang sinabi ng Star For All Seasons nung presscon ng kanilang pelikula na mahusay dito si Xian. In fairness, napaiyak kami ni Xian dun sa hospital scene nila ni ate Vi na inilabas niya ang sama ng loob niya sa award-winning actress dahil napabayaan siya nito sa pagiging focus nito sa kanyang career bilang isang succesful at powerful businesswoman.  Ang husay-husay dun ng aktor, natural na natural ang akting na ipinakita niya sa eksena nilang ‘yun ng Star For All Seasons.  Kapag napanood ng detractors ni Xian, yung mga nagsasabing bano siyang umate  ang EAH, siguradong pupurihin na nila ang akting ng ka-loveteam ni Kim Chiu.  Hindi na nila sasabihing hindi ito marunong umarte.


Renz Michael shares the lessons he has learned from the late German Moreno

renz michaelIsa ang young actor na si Renz Michael sa mga malalapit sa namayapang si German Moreno.  Kaya naman sobra talaga niyang dinamdam nang mamaalam na sa mundong ibabaw ang tinaguriuang Master Showman ng showbiz. Nag-chat kami kay Renz para tanungin siya kung ano ang mga magagandang bagay o payo ang naituro sa kanya ni kuya Germs nung nabubuhay pa ito. Ang sagot niya sa amin, “Mga bagay na tinuro samin ni kuya germs, tulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong. Ituloy lang ang mga pangarap hanggang sa matupad mo. Maging low profile sa kapwa mo, higit sa lahat lumingon sa pinanggalingan. Binigyan kami lagi ng payo ni tatay germs kung paano umangat sa showbiz. Sinasabi nya lagi mag-double time at galingan lagi every time na nasa stage ka.”

Regular pa ring napapanood si Renz sa seryeng “Doble Kara” na bida si Julia Montes.

Leave a comment

Leave a Reply