May 22, 2025
Yasmien Kurdi goes action, says time to get out of her comfort zone
Latest Articles

Yasmien Kurdi goes action, says time to get out of her comfort zone

Aug 28, 2019

May bagong serye si Yasmien Kurdi sa GMA-7, ang Beautiful Justice. 

Sa presscon ng naturang serye, tinanong siya kung anong challenge sa bago niyang role.

Sabi ni Yasmien, “Anong challenge sa role ko? Ang challenge rito ay  siyempre ‘yung mga action scenes namin. Hindi lang siya ‘yung typical. And It’s very timely, very controversial issues about war on drugs. And ‘yun ‘yung nakaka-challenge sa part namin kung paano ‘yung magiging story namin.”

Hindi lang si Yasmien ang bida sa Beautiful Justice kundi pati sina Gabbi Garcia at Bea Binene. 

Sa mga ginawang serye ni Yasmien before, ay siya lang ang solong bida. Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang serye to think na tatlo silang bida rito?

“Hindi po ako nagdalawang-isip,” sagot ni Yasmien.

“Kasi parang kasama ko ‘yung mga kapatid ko, Bea Binene at Gabbi Garcia. Nu’ng nalaman ko nga yung role ko, kinuha ko agad.

“I’m very much excited. I’m very much willing  to do the role.

“And sabi ko para kakaiba naman, di ba?  Lagi na lang akong nandun sa comfort zone ko. For five years, I’ve been in my comfort zone, hindi na ako lumabas dun sa box ng comfort zone ko. Lagi na lang ako sa viewers ko na pang-hapon.

“Though happy naman ako kasi yung viewers, ‘yung rating, okey naman.

“Pero siyempre you have to get out of your box, di ba? Yung last ko sa primetime was Rhodora X pa. That was 5 years ago pa. Etong opportunity na ito, hindi ko na palalagpasin. Siyempre excited ako magbalik-Primetime.”

Ang Beautiful Justice ay mapapanood na simula September 9 pagkatapos ng 24 Oras.

Leave a comment