
Yen admits she has a crush on Piolo
Aminado si Yen Santos na sa lahat ng naging leading men niya ay kakaiba si Papa P.
“Noong una kasi, talagang nahirapan ako. Naco-conscious ako tuwing magkaka-eksena kami,” aniya.
“Nahihirapan kasi ako kasi hindi ako makatingin sa kanya, hindi ako maka-arte dahil nadi-distract ako sa kanya,” sey niya.
Hindi naman niya ikinaila na crush niya si Papa P.
“Sino ba naman ang hindi magkaka-crush kay Papa P? Actually, kahit sinong leading lady, pangarap siyang makasama,” ayon pa kay Yen.
Napanatag lang daw siya dahil sa suportang ipinakita ng aktor habang ginagawa nila ang pelikulang “My Northern Lights: A Journey to Love” kung saan siya ang leading lady ng ultimate leading man.
“Sinasabihan ako noon na tingnan ko siya sa mga mata pero hindi ko siyang matingnan. Siya naman gumagawa ng paraan para maging kumportable ako. Na-challenge ako kasi nakakahiya naman sa kanya na uulit kami ng ‘takes’, so pinagbuti ko na lang at naging comfortable na rin ako sa kanya,” paliwanag ni Yen.
Kahit made na, hindi raw niya nakitaan si Piolo ng star complex.

“Napaka-down to earth niya. Very supportive siya sa mga artistang tulad ko,” bulalas ni Yen.
“Pag may mga eksena na nahihirapan ako, tinutulungan talaga niya ako, kaya thankful ako na nakasama siya,” dugtong niya.
Aminado rin si Yen na pressured siya sa unang pagtatambal nila ni Papa P.
“Siyempre, nakasama ko na si Papa P. Hindi mawawala na may mga expectation ang mga tao na susunod dapat na mag-level up na. So, in a way, nakaka-pressure talaga siya,” pahayag niya.
Nagbida na si Yen sa mga Kapamilya teleseryeng “All Of Me” at “Pure Love”. Huli siyang napanood sa TV series na “Magpahanggang Wakas.”
Ang “Northern Lights: A Journey to Love” ang unang pagtatambal nila ni Piolo sa ilalim ng Regal Films, Spring Films at Star Cinema.
Ang “Northern Lights: A Journey to Love” ay kuwento ni Charlie, Sr. (Piolo Pascual), isang playboy na naninirahan sa Alaska na mahilig magpa-impress sa kanyang mga babae sa pamamagitan ng pagdadala sa kanila sa mga lugar kung saan makikita ang “northern lights” o maningning na ‘aurora borealis’ sa kalawakan.
Nabago ang kanyang buhay nang makilala niya si Angel na ginagampanan ni Yen na naging close sa kanyang anak na si Charlie, Jr. na binibigyang buhay ni Raikko Mateo.
Ang romantic movie na ito ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan simula sa Marso 29.
Kasama rin sa cast ng pelikula sina Tirso Cruz III, Sandy Andolong, Maricar Reyes, Jerald Napoles, Joel Torre at marami pang iba.
Ito ay sa direksyon ni Dondon Santos na siya ring nagdirehe ng mga blockbuster movies na “Dalaw” at “Shake, Rattle and Roll XV” at ng “Noy” na naging official entry ng bansa sa Oscars noong 2011.