May 23, 2025
Does Yen Santos cry because of her discoverer?
Latest Articles

Does Yen Santos cry because of her discoverer?

Jul 26, 2018

HUMARAP kamakailan sa Entertainment press si Yen Santos via teleserye niya na may titulong “Halik” para sa primetime bida.

Maituturing na ngang isa sa masuwerteng artista ng Kapamilya dahil nga hindi naman siya nababakante pagdating sa project.

Pero sa true lang, kahit na madami-dami na siyang mga nagawang teleserye at maging sa pelikula ay hindi ganoon kataas ang kanyang career.

Kung ikukumpara sa mga lead actresses ng ABS-CBN 2.

Ano nga ba ang kulang kay Yen bilang isang artista?

Magaganda naman ang mga roles na napupunta sa kanya. Beautiful naman at sexy si Yen. Sa inyo ko na ibibigay ang kasagutan.

fb_img_1532562615228

Pero mahal siya ng Kapamilya dahil nga may bagong teleserye na ” Halik” kasama sina Jericho Rosales, Sam Milby at Yam Concepcion.

“Kinakabahan nga po ako dahil iba ang papel ko dito. This is my first mature role.Kakaiba sa lahat ng naunang mga nagawa ko,” sagot niya.

Yes, maraming mapupusok na eksena. Kaya kaabang-abang nga.

“Basta ito ‘yung pinaka-daring na nagawa kong teleserye. May kissing, bed and shower scenes, with Sam (Sam Milby),” sabi pa ni Yen.

Isang nakakaintrigang nangyari nung mediacon ay ang biglang pag- iyak niya sa kalagitnaan ng question and answer.

Usap- usapan na ang dahilan ng pag iyak na ‘yon ni Yen ay ang biglang pagbalik ng ala-ala sa takbo ng kanyang pag-aartista.

received_10157124620130961

Kesyo naiyak siya dahil nga maraming beses na raw na nawalan siya ng teleserye dahil ibinigay sa ibang artista.

May nagbulong din sa amin na may mga eksena noong nagsisimula siya na kailangang umiyak pero di niya maibigay ang iyak.

May nagsabi naman na masaya si Yen dahil naibigay na ang kanyang big project.

May sumingit naman na baka may dinadalang problema si Yen noong araw na ‘yon.

fb_img_1532562746497
Yen Santos with discoverer Gino Punzalan

Ang tanong ko, hindi kaya naiyak si Yen dahil nakita niya ang unang naka-discover sa kanya? Ang original manager?

I’m just asking!

Leave a comment