
Yes, selosa ako, Chanel Morales admits
OPINION–Kung beauty lang naman ang pag-uusapan ay hindi pahuhuli itong si Chanel Morales sa mga kasama niya sa movie na “The Debutantes” under Regal Entertainment.
At sa limang bidang babae sa nasabing movie ay namumukod tanging si Chanel lamang ang hindi under ng Star Magic. Dahil nasa pangangalaga siya ng ALV ni Arnold Vegafria.
Masasabing masuwerte na si Chanel dahil pinagkatiwalaan siya ni Mother Lily.
Sa kanilang lima, siya lang ang matapang na umaming may boyfriend at si Carl Guevarra iyon.
“Very close si Carl sa family ko. Kahit nga sa vacation trip ng family ko, kasama na rin siya,” kuwento niya.
Selosa ba siya? Alam naman nating gwapo ang kanyang boyfriend.
“Yes, selosa ako. Pero nasa tamang lugar. At normal lang naman sa isang girl ang selosa.”
Showing na ang “The Debutantes” sa October 4 mula sa direksyon ni Prime Cruz at starring Miles Ocampo, Michelle Vito, Jane de Leon, Chanel Morales, at Sue Ramirez.