May 23, 2025
Ynna Asistio feels sepanx as she reminisces last taping day of ‘ADKI’
Latest Articles

Ynna Asistio feels sepanx as she reminisces last taping day of ‘ADKI’

Nov 13, 2020

Ipinahayag ni Ynna Asistio, lead actress ng romantic drama series ng Net25 na pinamagatang Ang Daigdig Ko’y Ikaw, na nakaranas siya ng separation anxiety matapos ang thirty days lock-in taping nila sa naturang serye.

Kapareha rito ni Ynna si Geoff Eigenmann at magsisimula itong mapanood sa November 28 at tuwing Saturday, 8pm.

Pag-amin ng anak ni Nadia Montenegro, “Working with Geoff, kasi nagkasama na kami before sa GMA-7 sa Party Pilipinas, so casual kumbaga, nagkikita na kami before.

“But this time kasi it’s super different, we were all together for thirty days and iba yung friendship na nabuo, not just me and Geoff but the whole cast.”

Pagpapatuloy pa ni Ynna, “As in grabe yung separation anxiety namin, kasi halos wala pa kaming ilang weeks nandito sa Manila. Ang hirap, ang hirap mag-let go roon sa 30 days na kasama namin sila.

“Ang hirap ng feeling na nahiwalay ako sa kanila-na parang hinahanap ko sila.”

Tugon naman ng aktres nang usisain sa adjustment na ginawa sa new normal set up sa tapings.

Saad niya, “Actually, wala naman po masyadong nagbago sa work namin. Yung ano lang po face mask, social distancing and siyempre before po kami nagpunta sa Las Casas, lahat po kami ay ni-rapid test.

“And also, yes yung working hours namin is super sarap po, as in pinaka-max na po-ang pinakamatagal namin is at least 14 hours. Nakakapagpahinga kami, nakakapag-bonding kami, with social distancing po.”

Ang kuwento ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ay iikot kina Reina (Ynna) at Romer (Geoff).

Si Romer ay isang seaman na bumalik sa Pilipinas para magbakasyon at pansamantalang magtatrabaho bilang bellboy sa isang hotel.

Si Reina naman ang anak ng may ari ng hotel kung saan nagtatrabaho si Romer.

Kahit may naging hadlang sa kanilang pagmamahalan, sina Romer at Reina ay nag-reunite upang palayain ang kanilang mga sarili sa nakalipas at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Naranasan na ba niya na ang kanyang mundo ay umikot sa isang tao lang?

Sagot ni Ynna, “Yes I think, lahat tayo ay dumadaan sa ganoon, na nagiging daigdig natin ay isang tao. Pero for me, we may fail or marami man tayong nagagawang mistakes sa past, pero ang mga lessons natututunan natin, iyon ang madadala natin sa buhay natin ngayon.”

Ang serye ay mula sa pamamahala ni Direk Eduardo Roy, Jr., isinulat ni Bing Castro-Villanueva, at mula sa supervision ng director and writer na si Nestor Malgapo, Jr.

Kabilang sa cast members sina Elizabeth Oropesa, Richard Quan, Tanya Gomez, Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, Manolo Silayan, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Jellex David, at Myrna Villanueva Tinio.

Leave a comment