
“You can’t please everybody.” – Miss Earth Angelia Ong
by PSR News Bureau
Maging ang bagong hirang na Miss Earth na si Angelia Ong ay hindi rin nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga tao at lupit ng bashers. “To be honest, lahat naman ng sumasali sa isang beauty pageant, lahat gustong manalo. Pero ang struggle ko kasi, yung reigning [winner] ay kapwa ko Filipino, so medyo mas doble yung kinailangan na effort na gawin ko para hindi pwedeng sabihin na homecourt-decision. Pero umpisa pa lang ng contest proper, na-claim ko na sa sarili ko na akin ang korona,” bulalas ni Angelia.
“Hindi ko siya [korona] ma-imagine na pinapatong sa ulo ko. Pero hindi ko din siya ma-imagine na ipapatong sa ulo ng kahit kaninong tao, so akin siya,” kuwento nito.
May mga naging pagkakataon dawn a pinagdudahan niya ang sarili niya. “Iniiyak ko talaga, kailangan kong ilabas. Akala kasi ng iba dahil Filipino galing ang Miss Earth at galing ako sa Pilipinas, madali lang para sa akin ang lahat. But ang hindi nila alam, mas doble ang kayod ko dahil patas ang Carousel Productions na pamunuan ng Miss Earth. Pagdating ko doon, I’m on my own, I can only tell them so much, their hands are ties because they really want it to be as fair as possible, and I respect that. I think naman, hindi ibibigay ni God yung mga challenges na ganito kung hindi ko kaya.”
Para sa Q and A portion, marami ang pumuri kay Angelia sa naging sagot ng dalaga tungkol sa kung magpo-formulate ito ng slogan sa susunod na 15 years sa Miss Earth na ang naging kasagutan niya ay, “we will, because we can.”
“Nung narinig ko yung question, yun talaga ang unang pumasok sa isip ko. Bago pa kasi ako sumali sa patimpalak ng Miss Earth, yun na talaga ang motto ko. Every time I would introduce myself and tell my advocacy, I would say, ‘all things are feasible, all things are possible. We will, because we can.’ Kaya siguro nasabi ko with conviction yun and truth. By heart, alam na alam ko kasi yun.”
Sa kanyang pagkapanalo ng korona bilang Miss Earth, madami rin siyang naging bashers. “When I won Miss Philippines Earth, inasama ko na yung korona ng Miss Earth. Alam ko na darating ako sa point na magkakaroon ako ng bashers, so tanggap ko na yun. Pero I can’t please everyone. So nung nanalo na ako ang number one bashers ko ata ay yung mga Latina. Yung fans nila kasi very aggressive. They would go to my Instagram account and would write, ‘fraud,fraud, fraud.’ Maraming masasakit na salita pero hindi ko na lang pinapansin kahit inaamin ko na nasaktan din ako. Pero iniisip ko na lang na kasama talaga yung ganun,” pagtatapos ni Angelia.