
Young female TV 5 artist Marvelous Alejo experienced physical abuse from his own father
by Gerry Ocampo
Kapag binanggit ang pangalang Marvelous Alejo, kaagad na papasok din ang pangalan ni Attorney Ferdie Topacio dahil napagkamalan na bagong “protégée” raw ng controversial na abogado ang young pretty artist.
Pagkatapos ng controversial na abogado kay Bea Binene ay ipinakilala nito sa press si Marvelous na kaagad binigyan ng maling haka-haka.
Sa TV Media Center Reliance ng Kapatid Network sa Mandaluyong, nakausap namin si Marvelous na isa nang contract star ng naturang network pagkatapos ng tatlong taon paghihintay na mabigyan ng break sa showbiz.
Ayon sa 19 years old na dalaga, wala raw katotohanan ang mga naglabasan sa kanya at kay Atty Topacio.
“Ang totoo po, lumapit kami ng pamilya ko kay attorney para humingi ng tulong na mapawalang bisa ang kasal ng aking mga magulang. Pero nang biglang maiba na ang isyu na ikinagulat ko at ng aking pamilya kaya kusa na kaming umatras para mabigyan proteksyon ang aking pangalan,”pahayag ni Marvelous.
Nagdesisyon siya at mga kapatid na mapawalang bisa ang kasal ng kanilang magulang dahil sa ginagawang pambubugbog sa kanila ng kanilang ama.
“Lagi po binubugbog si mama ni papa. Pati kami mga anak ay di nakaligtas sa pananakit ni papa. Nandoon sinuntok at pinagpapalo niya ako at mga kapatid ko.
Sinuntok at sinaksak pa ako ni papa sa (sabay turo sa kanyang braso). Si mama bugbog sarado lagi kay papa. Halos mamaga ang mukha ni mama sa ginagawang pagmamalupit ni papa,” say pa ni Marvelous na mangiyak-ngiyak na habang ikinukuwento ang mapait na dinanas nila sa kanilang sariling ama.
Tatlong beses raw nila tinangkang ipakulong ang ama pero hindi rin tumatagal sa kulungan dahil pinapatawad ng kanilang ina dahil sa sobrang pagmamahal raw ng kanilang ina kesehodang lagi itong sinasaktan.
“Ipinakulong na namin si papa, pero hindi rin nagtatagal sa kulungan dahil pinapatawad namin ni mama. Sobrang mahal ni mama si papa at ako naman ay papa’s girl kaya lagi ko rin siyang pinapatawad sa lahat ng kanyang nagawa sa akin at mga kapatid ko,” patuloy na salaysay ni Marvelous.
Ngayon ay wala na silang communication sa ama at nakarating kay Marvelous may ibang babae na ang kanyang ama na kamukha raw ni Aga Muhlach.
Siya (Marvelous Alejo) ang bread winner sa pamilya kaya nagpapasalamat siya na binigyan ng break ng TV 5 para maging contract star.
Bago kami nagpaalam ay tinanong ko si Marvelous kung one of this day ay biglang sumipot uli ang kanyang ama para humingi muli ng tawad? Tatanggapin pa ba nila?
“Opo, mapapatawad ko po siya pero bilang parte ng pamilya. Hanggang doon na lang po. Hindi na po kami papayag na magsama muli sila ni mama dahil masaya na kami ngayon kahit wala siya,” pagtatapos ni Marvelous.