May 24, 2025
Yul Servo isn’t aspiring to become the city mayor
Faces and Places Latest Articles

Yul Servo isn’t aspiring to become the city mayor

Jun 10, 2015

oghie@ignacio
By Oghie L. Ignacio

yul-servoMatatapos na ni Yul Servo ang kanyang termino bilang magiting na City Councilor ng isang distrito sa Lungsod ng Maynila. Kaya may mga nag-uudyok sa kanyang lumaban sa 2016 National Elections sa mas mataas na posisyon. May mga nagsasabing very qualified siya na maging Mayor ng nasabing lugar kahit pa ang makakabangga niya mismo’y si Mayor President Joseph “ERAP” Estrada at ayon sa kanila ay kayang-kaya niya raw itong labanan.

“Ay! Hindi po,” ang magalang na pahayag agad sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ng award winning actor ng atin siyang makapanayam. “Never kong gagawin ‘yun kay Pres. Mayor Estrada. Kasi naging mabait siya sa akin at talagang naroon ‘yung all out support niya. So, hindi ko aambisyunin na labanan siya,” tuluy-tuloy na lahad pa nito.

“Sa mga nagawa niya sa Maynila, tingin ko’y mahirap siyang labanan. Mahal na mahal siya ng masa e. Lalo na ng mga taga-Maynila. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko iyon. Kaya inuulit ko hindi ako tatakbong Mayor sa Maynila. Hindi para sa akin ‘yun para kay President Mayor Erap ‘yun,” nakangiting sabi niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Kahit pa may mag-sponsor sa kanya o magbigay ng malaking pondo para lumabang Mayor nga ng Maynila sukdulan mang pahirapang banggaan kung sakali ang mangyayari sa kanila ni Pres. Erap ay tatanggihan pa rin ba niya?

erap“Ayoko pong masira ako sa mga tao lalo na sa mamamayan ng Maynila. Kaya kung ano ‘yung sinabi ko na ‘e, hindi ko na babawiin ‘yun. Siguro kung mag-aambisyon man akong tumakbo ‘e, sa ibang posisyon at hindi sa pagiging Mayor lalo na kung si Pres. Mayor Estrada pa. Malaki ang respeto ko sa kanya at may utang na loob akong tinatanaw sa kanya,” giit pa nito.

Pero maugong na hindi pa rin tuluyang iiwanan ni Yul ang mundo ng politika kahit aktibo rin siya sa paggawa ng pelikula o pagiging alipin ng showbiz ika nga.

“I’m planning to run pa rin po talaga sa 2016. Kung susuwertehin tayo, siguro gusto kong kumandidato bilang Congressman sa isang district sa Manila. ‘Yun ang pag-aaralan kong mabuti. Para mas marami akong matulungan at ‘yung ibang mga problema ng mga mamamayan natin sa Lungsod ng Maynila ay mabigyan ng katugunan,” malumanay na pahayag pa ng award-winning actor.

Sanay na ba siya sa matitinding intriga at death threats sa politika kaya hindi na siya kayang takutin ninuman maging ng kanyang mga kalaban sakaling may matindi siyang makakatunggali sa pagiging Kongresista ng Maynila.

“Sa akin po basta malakas ang pananalig mo sa Diyos at wala kang inaagrabyadong tao hindi ka dapat matakot. Lalo na kung para sa kapakanan ng taong bayan ang laging nasa isip mo at isinasa-alang-alang mo. Mas lalakas ang loob mo,” aniya pa.

“Hindi naman ako nakakalimot na magdasal at humingi ng guidance ng Diyos e. At sa tagal ko na rito sa politika kahit papano pinatatag na ako ng mga ganu’ng pagsubok. Basta nasa tama ka at alam mong hindi ka nang-aapak ng tao, ituloy mo lang ‘yung magandang purpose mo para sa mas nakararaming tao na umaasa ng tulong mo. I’m very sure na kakayanin mo lahat dahil lagi lang nandiyan ‘yung nasa Itaas para gabayan ka at iligtas lagi,” pagtatapos pa ni Yul sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Leave a comment

Leave a Reply