
“Yung 3logy po, parang modern Apo Hiking Society.” – Jak Roberto
by Rommel Placente
Isa si Jak Roberto sa co-host ni German Moreno sa ‘Walang Tulugan with The Master Showman’ na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA 7. Sa guesting ni Jak sa Showbiz Unlimited ng PSRTV (www.psrtv.ph) na kami ni Mildred Bacud ang host doon, ay ikinwento niya kung paano siyang napasok sa nasabing variety show.
“Na-meet po namin si Kuya Germs sa isang presscon, dun sa El Presidente, na bida si ER Ejercito. Nagpakilala po kami ni Mara, yung dati ring nag-aartista. Tapos, ayun tinanong po niya po kung gusto naming mag-GMA. Siyempre, sino po ba ang tatanggi at si Kuya Germs pa na star builder ‘yung nag-offer sa amin, di ba?” simulang kwento ni Jak.
Patuloy niya, “Tapos pinapunta niya po kami sa taping ng Walang Tulugan, pinakanta niya po kami, tapos ayun he welcomed us na po kami sa show,”
Very proud daw sa kanya ang kanyang mga magulang nang malaman ng mga ito na isa na siyang artista.
“Kahit po yung mga kapitbahay namin nakaabang sa TV, inaabangan nila yung paglabas ko. Kapag napapanood na nila ako sa Walang Tulugan, nagsisigawan sila,” natatawang kwento pa ni Jak.
Nang mapasama sa Walang Tulugan ay nagsunod-sunod na rin ang guesting ni Jak sa mga programa ng GMA 7. At pumirma na rin siya ng kontrata sa GMA Artist Center.
“Sa ngayon po, nakaka-three years na ako sa kanila. Every year po ang pag-sign ko sa kanila. Isang taon lang po lagi ang kontrata ko sa kanila, tapos nire-renew na lang nila,”
Marami nang nanaktrabahong artista si Jak sa GMA 7. Sinu-sino pa ba ang gusto niyang makatrabaho?
“Gusto ko pong makatabaho si Ms. Jennylyn Mercado. Napagaling po kasi niyang artista.
“Gusto ko pong makaeksena ‘yung isang artista na matutulungan niya rin ako sa trabaho. Kasi pag magaling yung co-actor mo, madadala ka sa mga eksena ninyo, mailalabas mo ‘yung best mo.
“At mahihiya ka kung hindi mo gagalingan,”
Magkakilala ba kayo ng personal ni Jennylyn?
“Magkasama po kami rati sa Party Pilipinas pero hanggang hi, hello at beso lang po kami,”
Isa si Jak sa miyembro ng singing group na 3logy kasama sina Jeric Gonzales at Abel Estanislao. Kamakailan ay ini-launch na ang grupo nila ng GMA 7.
“Yung 3logy po, parang modern Apo Hiking Society (singing group na may tatlo ring miyembro na sumikat noong 80’s).
“Ang mga kakantahin po namin, pulos mga OPM (Orgiginal Pilipino Music) din,”
Kamakailan ay nagkaroon ng show sa SM Valenzuela ang 3logy. Hindi akalain ni Jak na maraming fans nila ang pumunta roon.
“Nung una po, kinakabahan kami, kasi first mall show namin tapos hindi namin alam kung marami ba ang pupunta roon.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente