
Zanjoe Marudo confirms break up with Bea Alonzo
by PSR News Bureau
Matagal nang usap-usapan sa bawat sulok ng showbiz ang hiwalayang Bea-Zanjoe pero ngayon lang sa wakas umamin ang aktor na hiwalay na nga sila ng mestisang aktres matapos ang apat na taon din nilang naging relasyon. Umamin si Zanjoe kay Boy Abunda sa programa nito kagabi, January 20 sa Tonight with Boy Abunda. Hindi na nagbigay pa ng dahilan si Zanjoe ng kanilang paghihiwalay. Nanghihinayang man dahil malapit na sana ang kanilang ikalimang anibersaryo bilang magkasintahan sa buwan ng Marso.
Halatang nalulungkot si Zanjoe sa sinapit ng kanilang pag-iibigan ni Bea. “Walang madaling way, so kailangan talagang pagdaanan ang kalungkutan,” paliwanag nito.
Halata pa ang matinding lungkot sa mga mata ng aktor. Nang tanungin nga ni Boy Abunda kung kalian ito huling umiyak, sumagot ang aktor at sinabing: “Kagabi.”
Kasabay ng paghihiwalay nila ni Bea ang balitang sina John Lloyd Cruz at Bea na raw ang magkarelasyon sa ngayon. Walang naririnig na kumpirmasyon at pagdi-deny sa magkabilang panig hanggang sa mga sandaling ito.
Panghuli, sinabi ni Zanjoe na “Love is worth fighting for.” Tila sinasabi ng binata gagawa pa ito ng paraan upang maipaglaban ang pagmamahal niya kay Bea.