May 22, 2025
Zcentido performs at PhilSka Music Festival 2018 tonight
Rodelistic Showbiz Insights

Zcentido performs at PhilSka Music Festival 2018 tonight

Dec 1, 2018

Mapapanood sa PhilSka Music Festival 2018 mamaya, December 1 (Mayflower Parking, Greenfield District, Mandaluyong, 2pm) ang Pinoy SKA band na ZCENTIDO na kinabibilangan nina Richard Cruz (band leader/drummer), MJ Cruz (lead singer), Gary Ragay (bassist), Christoph Alday (guitarist), Joseph Jamorol (keyboardist), Patrick Blanco (trumpet), at Jericho Garcia (thrombone).

Ang mismong band leader nila na si Richard ay galing sa original Pinoy SKA band na “Put3ska” na sumikat noong araw na may hit song na “Manila Girl.”

Masayang masaya ang Zcentido sa kanilang first album na “Unang Hakbang” na may 5 original songs, isang cover song “Mamang Sorbetero” at ang carrier single na “Ikaw, Ako, Tayo.”

Sa tulong ng award-winning sound engineer Mr. Nikki Silvestre Cunanan ay nabuo ang tunog. Tiyak na mapapaindak ang mga makakarinig ng musika ng Zcentido.

Nakapag-perform na rin ang banda sa iba’t ibang entablado. Pero ang kaabang-abang ay ang pagtungtong nila sa stage ng PhilSka Music Festival. Makakasama pa nila ang dalawang international SKA bands na “Beat Bahnhof” at “Red Stripes.”

Naniniwala ang banda na dapat pang makilala ang genre na SKA sa bansa.

Ang SKA ay isang music genre na nagsimula sa bansang Jamaica noong 1950. Halos katunog ito ng rock at reggae. Noong 1960, mas na-develop pa ito sa nasabing bansa dahil may mga na-record na kanta sa tunog na SKA. 

Sa Pilipinas naman, muli itong nabuo noong 90’s dahil sa bandang “Put3ska,” isang Pinoy SKA band na nabuo noong 1993 na may hit song na “Manila Girl” at nag-perform sa kauna-unahang SKA music fest sa bansa noong 2012.

Malaki ang papel ni Mr. Noel Salonga sa muling pagbubuhay ng SKA music sa bansa. Nais nyang makabuo hindi lamang ng mga SKA musicians pati na rin ng isang matibay na samahan na nakaka-appreciate ng SKA music. 

Tinatayang lampas tatlong libo (3 thousand) ang myembro ng SKA group sa bansa at patuloy pang tumataas ang bilang kaya naisip nyang ngayon ang tamang panahon para magkaroon ng isang malaking pagtitipon ang lahat ng SKA music lovers and musicians sa pamamagitan ng isang music fest. 

Ang gaganaping PHILSKA MUSIC FESTIVAL 2018 sa December 1 ay pakikisabay na rin sa Philippine Ska Community’s 1st year anniversary sa November 17. Sa tulong ng music fest na ito, mapapatunayang pang mainstream din ang SKA music.

Leave a comment