May 22, 2025
Zeus Collins admits he received indecent proposal
Latest Articles

Zeus Collins admits he received indecent proposal

Oct 18, 2018

Aminado ang It’s Showtime mainstay at Hashtag member na si Zeus Collins noong bago pa raw siya sa showbiz, may indecent proposals na raw siyang natatanggap.

Gayunpaman, wala raw naman siyang pinatulan sa mga ito.

“Hindi ko siya kinakagat kasi katuwiran ko kaya ko pa naman,” hirit ni Zeus.

Compliment din na maituturing niya na lapitin siya ng mga beki.

“Actually, gusto ko silang makasama dahil totoo silang tao. Siyempre, masaya silang kasama, lalo na pag nagbibiruan. Pag nagjo-joke,” aniya.

Hindi rin siya apektado kung hanggang ngayon ay patuloy ang pagli-link sa kanya kay Vice Ganda, dahil aminado naman siyang close sila ng unkabogable comedian.

“Hindi lang naman ako ang natsitsismis sa kanya na ganoon. Hindi ko na rin siya pinapansin. Alam ko naman ang totoong nangyayari kapag kami-kami ang magkakasama,” paliwanag niya.

received_2204151766521205

Hindi raw naging dahilan ang tsismis sa kanila para iwasan niya ang GGV host.
“Natutuwa ako dahil napapansin kami. Pero, magkaibigan lang kami at alam ko namang wala kaming ginagawang masama,” sey niya.

Hirit pa niya, blessing niyang maituturing ang magkaroon ng isang kaibigang tulad ni Vice.

“Hindi lang siya friend sa amin, parang Ate na namin siya. Kapag nag-o-out of town siya minsan, nagugulat na lang kami kasi may pasalubong kaming damit o kaya’y sombrero sa kanya. Ganoon siya ka-generous,” pagtatapat niya.

Tsika pa niya, wala raw favouritism si Vice dahil halos lahat ng katropa niya sa Hashtags ay malapit dito.

Wish ni Zeus na makapag-guest si Vice sa kanyang dance concert na pinamagatang The Dance Machine Concert na gaganapin sa SM Skydome sa November 3 kung saan guests niya ang kanyang mga Kapamilya sa It’s Showtime tulad nina Dawn Chang, Ryan Bang and co-Hashtags members Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron and Jameson Blake at iba pang special guests.

Garantisado raw na maraming pasabog ang nasabing show dahil iba’t-ibang klase ng sayaw ang kanyang ipakikita na hindi madalas na napapanood sa kanya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto rin daw i-try ang iba’t-ibang klase ng sayaw tulad ng ballet o folk dance.

Willing din siyang magbahag o magsayaw ng Ifugao dance, bagay na hindi pa niya nasusubukan sa kanyang tanang buhay.

Leave a comment